Ang Kagandahan at Kapangitan ng ‘Human Security Act’

Thursday, August 23, 2007

Ang “RA9372”, na mas kilala sa tawag “Human Security Act” o “HSA”, ay naipatupad noong Pebrero 19, 2007. Sa isang maikling talakayin, ang HSA ay isang batas na nagsasabing ikukulong ang lahat ng gagawa ng isang matinding takot sa mga tao. Kasama dito ang pagpatay, pagnakaw at iba pang nakasaad doon. Makukulong rin kung mahuhuling mali ang inakusahan ng pagiging terorista, ang pagbubukas ng mga nakaselyong gamit at iba pa.

Ang HSA ay magandang bagay dahil kapag ito ay naipatupad ng maayos, mababawasan ang mga krimen sa Pilipinas. Hindi na rin matatakot ang mga Pilipino. Kagaya nga ng titulo ng batas, ang mga tao ang magkakaroon ng kaligtasan mula sa mga terorista. Maiiwasan ang pagbubkas ng ating mga personal na gamit kung ito man ay padala. Ito rin ang magbigigay sa atin ng kagaanan ng loob dahil may mga nagbabantay sa atin pero hanggang ganoon na lang iyon.

Ang HSA naman ay pinipigilan ang ating pagiging malaya dahil kapag tayo ay nagsalita ng kahit anong bagay na maaring maging sanhi ng pagkatakot ng mga tao at maituring na terorista tayo, tayo ay makukulong. Nawawala ang ating pagiging. Naiingatan nga ang ating mga gamit ngunit maaring ang ibang gamit na nakatago ay sa mga masasamang loob.

Ang HSA ay isang batas na dapat tumutulong sa mga mamamayan ng bansa ngunit marami itong negatibong problema. Ipinagbawal nila ang pagwawayrtap ng mga telepono, ibig sabihin, hindi na natin malalaman ang mga tunay na nangyayari sa likod ng pamahalaan. Maari itong maging isang batas na nakakatulong sa atin. Ang dapat lang ay baguhin ito ng kaunti dahil kung minsan ang mga batas ay sumosobra na.

Borricano, Jonathan David M.

Masaklap na Katotohanan ng “Human Security Act”

Sunday, August 19, 2007

Ang Human Security Act o mas kilala sa anti-terrorism law ay ang batas na ipinatupad upang tugunan ang laganap na pagkalat ng terorismo sa bansang Pilipinas, subalit tila ang mismong batas na ito ang siyang “terorista” sa mga mamamayan sa lipunan. Ang mismong batas na ito ang nagiging daan tungo sa pang-aabuso ng gobyerno sa mga karapatan ng iba’t ibang tao.

Tinutuligsa muli ng grupong ito ang kahulugan ng terorismo sapagkat nakasaad sa section 3 ng Republic Act of 9372 na ang kahulugan ng terorismo ay isang muling paglalahad ng mga nakaraan nang mga krimen. Idinagdag lamang sa kahulugan ng terorismo ang pagdudulot ng matinding takot at pangamba sa mga mamamayan ng bansa.

Section 4- “conspiracy to crime”, mayroong mga masasamang dahilan kung bakit masama ang paghuli sa mga “conspirators” lamang. Bagamat masama ngang magplano para pabagasakin ang isang establisyamento, karamihan naman sa mga nagpaplano ay puro salita lamang walang aksyon. Ang tunay na kinatatakutan sa pagpatupad ng batas na ito ay pangalanangang “conspirators” ang mga taong nageensayo ng kanilang freedom of speech.

Section 7- “surveillance of suspects and interception and recording of communications”. Nasasaad dito na ang paghihinalang ang isang tao ay kabilang sa mga terorista, papayagan na agad ng Courte na bantayan ang lahat ng usapan ng taong ito na magdudulot ng kawalan ng panahon mag-isa. Ang masaklap dito ay ang pagpapahintulot na magsurveillance kahit pinaghihinalaan lamang.

Mas pinakalakas pa ang section 7 sa section 8 nang ilahad nito ang mga detalye ukol sa section 7. Sa section na ito, binibigyan ng kapangayarihan ang mga pulisya upang magrekord ng usapan ng isang nasasakdal kahit hindi siya nahahatulan pa ng sentensya. Binabalewala ng section na ito ang
kahalagahan na maghakot lamang ng ebidensya kung napatunayan ang pinagkakahinalaan.

Ayon naman sa section 18- Period of detention without judicial warrant of arrest, hindi nangangailangan aprobahan ng judicial court kung manghuhuli ang mga pulis ng mga suspekto. Ngunit nasasaad sa article III section 2 ng ating constitusyon na walang search warrant o warrant of arrest ang mapapalabas hangga’t hindi napapatupad ng courte. Ang hukuman lamang dapat ang may kapangyarihan na magbigay ng warrant of arrest subalit dahil sa RA 9372, ang lahat ng miyembro ng anti-terrorismo council ay binibigyan ng kakayahan para magpalabas ng mga warrant of arrest, tunay na taliwas ito sa bill of rights ng mga taong bayan.

Bagamat ang nais lamang ng RA 9372 ay protektahan ang mamamayang Filipino, nagbibigay butas ito sa ilang mga batas na noon pa ipinatupad. Batay sa kasaysayan ng Pilipinas, hindi na bago ang pagpapakita ng dahas ng gobyerno sa taong bayan, sana naman hindi maging daan sa panibagong pag-aabuso ng mga maykapangyarihan ang pagpapatupad ng batas na ito.

Ang, J.Em

HUMAN SECURITY ACT AYON KAY PROPESOR HARRY ROQUE…TAMA BA SIYA? O ITO’Y ISANG MALING INTERPRETASYON?

Ang Human Security Act o ang RA 9372 ay isa sa mga pinaka macontorbersiya na batas na naipasa sa congreso sa Pilipinas, ito ay ipinatupad noong ika-6 ng Marso 2007 at ipinanukala ng ating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Ginawa ito para protektahan ang mga tao sa kahit anong tangkang terorismo sa bayan at labanan ang terorismo sa bansa, katulad ng Abu Sayaff, MILF atbp. grupo na kumakalaban at Subalit hindi ito naging kaaya-aya sa mga tao sa mga tao dahil may maliking posibilidad ito maabuso ng sino man na nasa kapangyarihan. Kaya’t hindi maiwasan na magkaroon ito ng iba’t ibang isyu patunkol sa mga tao na hindi sumasangayon sa pagpapatupad ng batas na ito. pero ano nga ba talaga ito? Anong meron dito kaya’t nagkaroon ito ng iba’t ibang controbersiya hinggil sa pahihimasok ng buhay ng mammayan? Iyan ang ating aalamin. Ito ba’y makatarungan o hindi?

Noong Ika-15 ng Hulyo taong 2007 nakatakda itong batas na umepekto sa lipunan, ayon sa presidente. Dito nag resulta ang hindi maiiwasang ang ng iba’t ibang ralyista o ano mang grupo na lumalaban o tumotutol sa pamahalaan sa bayan. Katulad na lamang ng simbahang catoliko at ang mga iba’t ibang organisasyon na lumalaban sa karapatang pang-tao. Ayon sa kanila, ang RA 9372 o ang Human Security Act ay hindi dapat ipasa, dahil ito ay nakalalabag sa karapatang pang-tao at ito ay mashadong nahihimasok sa buhay ng mamamayan, ito ang sigaw ng lipunan. Isa sa kanilang pinaglalaban ay ang hindi pagbibigay ng maliwanag na depinisyon sa terminong terorismo. Mashadong malawak ang pag-bigay ng depinisyon ng batas kauganay dito kaya’t hindi maiiwasan na tanungin ito ng mga tao. Isa sa naging kontrobersiya nung panahon na iyon ay ang kontrobersiya ukol kay Harry Roque.

Ayon kay Harry Roque isang propesor, madaming “grey spots” o hindi malinaw na parte ang hindi malinaw sa pinanukalang batas. Ang inihain niya na kontrobersiya ay ang seksyon 8 at secsyon 27. Sa kanyang pagsusuri, ang batas na ito ay nagbibigay ng karapatan sa gobyerno na manmanan ang kahit ano mang bagay na komunikasyon at pakinggan ang kanilang pinaguusapan sa ganoong paraan malalaman ng gobyerno ang mga plano o ang mga tangka ng mga terorista sa bayan. Kung tatanungin niyo ang indikasyon nito hanggang may pakialam ang teknolohiya. Ang gobyerno ay hindi lamang makakawiretapped sa iyong mga telepono,may kakayanan manmanan ang sino mang gumagamit ng teknolohiya ng komunikasyon, kung hindi puwede din nila tingnan ang mga pribadong mga “e-mail” ng mga gumagamit nito. Malinaw na nagpapakita ng isang akto na naglalabag sa human privacy, hindi siya natuwa dito dahil ito ay maaring gamitin sa makasariling ambisyon ng nasa may kapangyarihan. Pangalawa, nagbibigay din ito ng daan sa gobyerno na buksan ang kahit anong bank account ng sino man nang walang pahalintulo’t. Oo, masasabing makatarungan ito kung talagang terorista ang kanilang sinusuri at may sapat na ebidensya na magpapatunay na itong tao nga ito ay isang terorista. Sabi niya na ang section 8 at ang section 27 ay nagbibigay ng karapatan sa gobyerno na mag-wiretapped kanino man, kahuit tanging suspetsa lamang ang pinanghahawakan.

Pero ito ay isang pagkakamali ayon sa ibang tagapagbalita, kinagugulat nila na ang malaking pagkakamali na ginawa ng propesor. Malamang hindi daw niya ito nabasa o siya’y nagkaroon ng malaiking misinterprasyon sa pinanukalang batas. Ang nakasaad sa sec. 8 at 27 na nagsasabing “probable cause” ay namesinterpreta ng propesor, ang “probable cause” sa kanayang palagay ay nagsasabing puwede na ang suspetsa para mawiretapped a isang tao. Pero ito ay isang malaking pagkakamali, dahil ang “probable cause” na nakasaad sa naturang batas ay nangangaylangan padin dumaan sa metikulosong pagsusuri bago ito payagan. Sa makatuwid kinakailangan muna ng gobyerno ito aprubahan bago ito magpatuloy sa gagawing pagwiwiretapped, kaya’t siyay’y natalo sa discusyon ukol dito. Subalit ito ay nagiwan ng isang malaking misinterpretasyon sa mga taong nakanuod sa naturang programa, nag nagresulta sa mas malaking kaguluhan.

Ito man ay isang magandang balita ukol sa naturang batas, nagkaroon ito ng negetibong epekto sa mga operasyon ng mga sundalo sa pagmamanman ng mga pribadong operasyon nila. Dahil ang batas na ito ay nagpapawalang bisa sa batas na nagpapabawal ng pagwire tapped sa lipunan, dahil nga ito ay isang batas na lumalaban sa terorismo sa buong mundo. Sabi din ng iba pang mananaliksik na ang pagpapatupad ng RA 9327 ay isang pagpapatunay ng presidente kay U.S. President George W. Bush na siya’y pumapanig sa ideya ng dayuhang presidente sa pagsugpo sa mga terorismo. Ang kahinaan ng batas na ito ayon kay Isagani Cruz, isang mambabatas, ay ang qualidad ng katarungan sa ating gobyerno. Maling paglilitis ay rumeresulta sa hindi makatarungan na pag dedesisyon sa korte. Sinasabi niya na ikabubuti ng militar na wala ang batas na ito dahil nga sa nakasaad na mga rason na nabanggit kanina.

Bilang konklusyon, ang RA 9327 o kilala bilang Human Security Act Law ay isang batas kung saan nagbubukas ng madaming pintuan para ito’y gamitin sa pangaabuso. Hindi maiiwasan na tanuingin ito ng mamamayan dahil nga sa malabong pagbigay ng depinisyon sa terminong terorismo. Marahil nga ito’y hindi maka-tao, pero naniniwala ang mga nanaliksik na ang mga kontrobersiyang ito ay puwedeng maiwasan pagnagkaroon ng pagbabago sa gobyerno at pamahalaan. Hangga’t may korupsyon sa bansa, hindi titigil ang kaguluhan. Dapat din nila maintindihan na ang pagbabago ay nag sisimula sa sarili ayon kay Robert Kiyosaki. At dito nagtatapos ang pagsasaliksik sa naturang kontrobersiya.

Kho, Gerard Partick C

Human Security Act: Makabubuti Ba?

Saturday, August 18, 2007


Ano nga ba ang HUMAN SECURITY ACT?

Ang Republic Act no. 9372 o kilala rin bilang HSA o Human Security Act of 2007 ay isang batas na naglalayong protektahan ang bansa at ang mga tao laban sa terorismo. Sinasabi na ang ganitong batas ay kinakailangang ipatupad upang maprotektahan ang bansa at upang labanan ang terorismo kinakailangan ng komrehensibong pagganap upang matukoy ng malinawan ang mga dahilan nito. Ito rin ay upang gawing krimen ang terorismo sa Pilipinas,laban sa mga tao.

Ano ang terorismo?

Ang akto ng terorismo ay sinasabing ang isang tao ay gumawa ng bagay na maaaring maparusahan sa ilalim ng mga probisyon sa “revised Penal Code”. Ito ang ilan sa ,mga akto ng terorismo: Piracy in General and Mutiny; Rebellion or Insurrection; Coup d’Etat; Murder; Kidnapping and Serious Illegal Detention; Crimes Involving Destruction; or under Law on Arson; Toxic Substance and Hazardous and Nuclear Waste Control Act; Atomic Energy Regulatory and Liability Act; Anti-Hijacking Law; Anti-Piracy and Anti-Highway Robbery Law. Ito ay ilan lamang sa mga batas na maaaring makasuhan ang tao ng terorismo.

Makatao ba ang HUMAN SECURITY ACT?

Ayon sa simbahan:

Sinasabi ng mga tao sa loob ng simbahan at mga miyembro nito na ang polisiya ng Human Security Act ay nakapagpapababa ng dignidad ng tao at nagbibigay ng liwanag sa mga hindi makatarungan na maaaring magresulta sa kawalan ng hustisya, galit at pagkakawatak-watak. Ang simbahan kasama ang mga mahihirap ay patuloy na mangangalaga at magbibigay ng pag-asa sa mga biktima ng kawalan ng hustisya. Tayong mga tao ay may matinding paniniwala sa ating mga doktrina at pagtuturo sa ating relihiyon lalong-lalo na ang mga Katoliko at maging ang iba pang relihiyon at tayo ay naniniwala na ang tao ay ang pinakaunang ipinagbigay kasiyahan ng Diyos sa mundo. Inilatag ng simbahan ang mga bagay na nakasaad sa Human Security Act na maaaring makapagpababa sa dignidad ng mga tao.

1. Ang pagpaparusa sa mga taong nagpapakita ng kanilang hinanakit at pagiging totoo sa kanilang nararamdaman. Ito ay hindi makatao dahil ang mga tao ay binigyan ng karapatang “Freedom of speech” o “free expression”.

2. Ang Human Security Act ay nagpapakita ng “authoritarianism” at kapangyarihan. Inilalagay nito ang bawat indibidwal sa panganib dahil binibigyan nila ng kapangyarihan ang mga opisyal na bigyang kahulugan sa kanyang sarili ang karakter ng nagawa ng isang tao. Kung kaya kahit maliit lang ang nagawa ng tao ay maaari itong palakihin at gawan ng istorya ng opisyal ang kanyang nakita o nasaksihan.

3. Binabatikos rin sa Human Secirity Act kung sino ang tumutukoy sa mga hindi makatarungan na demanda.hindi malinaw na isinaad ang mga taong gaganap sa posisyong ito kaya hindi makatao ang paggawa ng batas na ito dahil kahit sino man ang bigyan ng kapangyarihan ay maaaring magdesisyon kahit pa hindi ito makatarungan at hindi tumutugma sa mga dapat na gawing kaparusahan.

4. Tinatanggalan ang mga tao ng karapatang “free speech”, “free press”, “assembly” at “redress of grievance”. Sinasabi sa Human Security Act na ang pagtuligsa sa gobyerno ay isang paraan ng terorismo at maaaring maging hindi makatao para sa mga nasa gobyerno ngunit kung susuriing mabuti ay masasabing ang mga tao ang mawawalan ng kanilang karapatan at makakaapekto ito sa pagpapahayag ng saloobin. Pero para sa gobyerno ito ay magiging benepisyo nila dahil ang mga tao ay magkakaroon ng katahimikan at makokontrol nila ng mabuti ang mga tao.

Ang Human Security Act ay isang mapanlinlang na batas. Inaalis nito ang kahulugan ng pagiging malaya na kinakailangan upang malinang ang karapatang pantao. Kaya ang Human Security Act ay hindi dapat ipatupad sa bansa kundi ito ay ideklara bilang isang hindi makataong batas. Ang Human Security act ay napakadelikadong batas dahil pinapayagan nito ang pagkukulong, ang sinasabing “warrantless arrest” at pagpasok sa mga personal na buhay ng mga tao, ang kanilang kalayaan at iba pang karapatang pantao. Lahat ng taong inaakalang may ginagawa ukol sa terorismo ay maaaring hulihin ng walang warrant at ikulong ng walang sapat na ibedebsya at kaso. Ang mga tao ay maaaring ilagay sa ilalim ng “house arrest” nililimitahan sila sa hindi paggamit ng cellphone, computer at kahit anong bagay upang magkaroon ng komunikasyon kahit na binigyan sila ng pagkakataon upang nagpiyansa kung ang ebidensya ay hindi ganoon kalakas.

Sa aking palagay ang batas na ito ay hindi dapat ipatupad sa Pilipinas dahil ang karapatang pantao na ang natatapakan at nawawalang bahala. Maaari itong ipasa kung ang mga batas ay babaguhin o irerebisa para sa benepisypo ng mga tao. Marami sa mga tao ngayon ay walang ideya kung ano ba ang batas na ito kung kaya ay dapat munang isaayos ito ng mabuti bago ilabas sa mga tao at ipatupad kinakaingan nilang maging sigurado sa mga nilalaman nito at maisaayos. Ang Human Security Act ayn isang magandang intensyin ng gobyerno upang maprotektahan ang bansa ngunit hindi ito magiging matagumpay kung ang karapatanna ng mga tao ang maaapektuhan.

Awayan, Niela Mary Jane D.

Human Security Act o HSA: Makatao nga ba?

Ang Republic Act No.9372 o mas kilala bilang Human Security Act ay isang sa mga pinakabagong batas na ipinatupad ng Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Ito rin ay tinatawag na Anti-Terrorism Bill. Pinirmahan ito ni Pangulong Arroyo noong ika-anim ng Marso 2007.

Ano nga ba Human Security Act at ano ang mga layunin sa pagtatapud nito? “It is declared a policy of the State to protect life, liberty, and property from acts of terrorism, to condemn terrorism as inimical and dangerous to the national security of the country and to the welfare of the people, and to make terrorism a crime against the Filipino people, against humanity, and against the law of nations.” Ang pagligtas sa pamahalaan at bayan, at ang pagtanggol ng mga tao sa mga gawaing terrorismo ang sinasabing mga pangunahing layunin ng pagpapatupad Human Security Act.

Bakit naging isang kontrobersiyal na isyu ang pagpapatupad ng batas na ito? Bakit tila marami ang laban o hindi sang-ayon sa batas na ito? Makatarungan nga ba ito? Ang mga ito ay ilan lamang sa mga katanungan ukol sa Human Security Act.

Ayon sa nakararami, malabo at masyadong masklaw ang depinisyon ng terorismo. Sa ikatlong seksyon ng batas, ang terorismo ay isang gawa o akto ng paghasik at paglikha ng kundisyon o anu mang pangyayari na maaring magbigay ng kakaibang takot at pangamba sa populasyon upang pwersahin ang gobyerno. Ayon pa sa ikatlong seksyon ng batas, ang isang akto ay masasabing may kaugnayan sa terorismo kung ito ay “...thereby sowing and creating a condition of widespread and extraordinary fear and panic among the populace, in order to coerce the government to give in to an unlawful demand shall be guilty of the crime of terrorism and shall suffer the penalty of forty (40) years of imprisonment, without the benefit of parole...” Ano nga ba ang ibig sabihin nila ng “unlawful demand”? Hindi nabigyan ng malawak na depinisyon ang iba’t ibang termino na ginamit sa Human Security Act. Malabo at hindi partikular ang kahulugan ng terorismo kung kaya’t marami ang puwede maging implikasyon nito. Gayunpadin, hindi malinaw ang batas na ito.

Ang mga aktong kriminal na maituturing bilang isang aktong terorismo ayon sa depinisyon nito ay ang pagrerebelde sa mga batas, pagsabak sa kudeta, pagpatay, pamimirata, pangingidnap, paninira ng mga ari-arian, mga krimen na may kaugnay sa destruksyon o anumang pagsira at marami pang iba. Ayon pa sa batas, ang mga mahuhusgahang nagkasala ay makukulong ng apatnapung taon nang walang pagkakataong makapag-parole.

Anu-ano nga ba ang mga pangunahing probisyon ng HSA? Ang mga pangunahing probisyon ng HSA ay ang pagsagawa ng paniniktik o surbeylans laban sa mga organisasyon na sinasabing suspek sa "terorismo", ang walang taning na detensyon at pagdakip nang walang mandamyento, ang pagpapailalim ng isang "suspek" sa "house arrest", at ang pagkontrol sa mga deposito at rekord sa banko.

Ayon sa ikalimampu’t tatlo at ikalimampu’t apat na seksyon ng batas, pangangasiwaan ng Anti-Terrorism Council (ATC) ang pagpapatupad ng HSA sa ilalim ng pangkalahatang pamumuno ng Executive Secretary.

Malaki ang magiging epekto ng batas na ito sa kalagayan ng karapantang-tao sa bansa. Maari itong maging taliwas sa mga karapatang-tao o mga pandaigdigang makataong batas. Ang Human Security Act ay taliwas rin sa diwa ng demokrasya. Ayon pa sa batas na ito, kahit sa simpleng pagsususpetsa pa lamang bilang isang “terorista” ay mapapatawan na ng kaparusahan at restriksyon sa mga karapatan ang isang mamayan.

Bukod pa rito, sa pamamagitan rin ng pagpapatupad ng batas na nito, mapaiiral rin ang di deklaradong batas militar. Maari nitong bigyan ng malawak na kapangyarihan ang pamahalaan o estado na gamitin ang mga instrumento tulad ng militar, pulisya, mga korte at kulungan upang maghasik ng mas masahol, malawakan at terorismo na laban mismo sa mamamayan. Magiging mas makapangyarihan ang estado o pamahalaan dahil sa pagpapatupad ng batas na ito.

Sa pagpapatupad ng Human Security Act, siguradong malaki ang pakinabang ng Pangulong Arroyo. Magamit ng pamahalaan ang Human Security Act upang ituring na krimen ang anumang pagrerebelde ng mga tao at ipagkakait nito sa sambayanan ang karapatang ipagtanggol ang sarili laban sa gobyerno. Maari na ring bansagang at sabihing "terorismo" ang pagkilos at panawagan para magbitiw o patalsikin si pangulong Arroyo sa kanyang puwesto kung kaya’t ang paggawa nito ay labag sa batas ayon sa HSA. Magagamit rin ito ng pangulo sa pagsusulong sa tinatawag na ChaCha o Charter Change ng pangulo. Higit pa riyan, magagamit rin ang HSA at ang "gera kontra terorismo" upang mabigyan ng katwiran ang tuluy-tuloy na pagpapakat ng mga tropang Amerikano sa Pilipinas. Gayunpaman, ang Human Security Act ay nagsisilbi ring isang malaking hadlang sa usapang kapayapaan.

Sa kabuuan, dahil sa mga iba’t ibang dahilan tulad lamang ng pagpapawalang bahala ng mga karapatang pantao, marami ang hindi sumasang-ayon sa pagpapatupad ng batas na ito.

Gurrea, Fern Ives

Para Kanino Ba Ito??

Ang Human Securities Act o mas kilala bilang Republic Act No. 9372 ay sinasabing ipinatupad dahil sa rason o layunin na ito:

“To protect life, liberty, and property from acts of terrorism, to condemn terrorism as inimical and dangerous to the national security of the country… and to make terrorism a crime against the Filipino people, against humanity and against the law of nations”

May mga tao na nagaalala na gawing legal ang paggamit at pagabuso ng kapangyarihan ng gobyerno sa pamamagitan ng pag-violate n gating “right to privacy at due process” Sinasabi sa 1987 Constitution Article 3, Section 3 na:

(1)The privacy of communication and correspondence shall be inviolable except upon lawful order of the court, or when public safety or order requires otherwise, as prescribed by law.
(2) Any evidence obtained in violation of this or the preceding section shall be inadmissible for any purpose in any proceeding.
Ito ba ay nasusunod?? Sa sobrang gulo ng ating bansa hindi na naipatutupad ang ganitong mga batas. Nandyan nga ngunit hindi naman nagagamit. Ang mga membro ng Ecumenical Bishops Forum o EBF ay nagpulong at nagusap. Mula paguusap nagpalabas sila ng isang statement na sinasabi na ang terrorismo ay nagbigay sa ating lipunan ng mga papel na nararapat para sa Diyos.

Ang terrorismo ay napaparusahan ng 40 taong pagkakabilanggo. Ngunit sabi ni Nikka Hao, AKBAYAN Partylist Vice Chairperson for UP DILIMAN, para na rin binibigyan ng batas na ito ang pagkakataon na maging diyos ang gobyerno. Ang tanging dapat nilang gawin ay ipatupad at siguruhing sinusunod ang nasasaad sa batas hindi yung sila ang nagiging batas.

May nasusulat sa batas na ito tungkol sa Grievannce. Sa ating paaralang De La Salle University, binibigyan ng karapatan ang bawat magaaral na maghain ng reklamo o complaint laban sa kanilang guro, sa pasilidad ng paaralan o sa mismong pamamalakad ng pinuno ng paaralan. Sinasabi sa bahaging ito ng batas ang tungkol sa Grievance.

SEC. 56. Creation of a Grievance Committee. - There is hereby created a Grievance Committee composed of the Ombudsman, as chair, and the Solicitor General, and an undersecretary from the Department of Justice (DOJ), as members, to receive and evaluate complaints against the actuations of the police and law enforcement officials in the implementation of this Act. The Committee shall hold office in Manila.

The Committee shall have three subcommittees that will be respectively headed by the Deputy Ombudsmen in Luzon, the Visayas and Mindanao. The subcommittees shall respectively hold office at the Offices of Deputy Ombudsman. Three Assistant Solicitors General designated by the Solicitor General, and the regional prosecutors of the DOJ assigned to the regions where the Deputy Ombudsmen hold office shall be members thereof. The three subcommittees shall assist the Grievance Committee in receiving, investigating and evaluating complaints against the police and other law enforcement officers in the implementation of this Act. If the evidence warrants it, they may file the appropriate cases against the erring police and law enforcement officers. Unless seasonably disowned or denounced by the complainants, decisions or judgments in the said cases shall preclude the filing of other cases based on the same cause or causes of action as those that were filed with the Grievance Committee or its branches.

Meron tayong ganitong batas, ngunit kung tayo ay manonood ng balita makikita natin na maraming menor de edad ang naabuso. Madalas na kasabwat ang mga kabarkada o kamag-anak ng bata. Sangayon ang kabataan sa pagkakaroon nito, ngunit hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon na ilabas ang tunay na nararamdaman sa takot nab aka balikan sila.

May isang parte ng batas na hindi dapat ipatupad sinasabi sa section 18 na:

SEC. 18. Period of Detention Without Judicial Warrant of Arrest .- The provisions of Article 125 of the Revised Penal Code to the contrary notwithstanding, any police or law enforcement personnel, who, having been duly authorized in writing by the Anti-Terrorism Council has taken custody of a person charged with or suspected of the crime of terrorism or the crime of conspiracy to commit terrorism shall, without incurring any criminal liability for delay in the delivery of detained persons to the proper judicial authorities, deliver said charged or suspected person to the proper judicial authority within a period of three days counted from the moment the said charged or suspected person has been apprehended or arrested, detained, and taken into custody by the said police, or law enforcement personnel: Provided, That the arrest of those suspected of the crime of terrorism or conspiracy to commit terrorism must result from the surveillance under Section 7 and examination of bank deposits under Section 27 of this Act.

The police or law enforcement personnel concerned shall, before detaining the person suspected of the crime of terrorism, present him or her before any judge at the latter's residence or office nearest the place where the arrest took place at any time of the day or night. It shall be the duty of the judge, among other things, to ascertain the identity of the police or law enforcement personnel and the person or persons they have arrested and presented before him or her, to inquire of them the reasons why they have arrested the person and determine by questioning and personal observation whether or not the suspect has been subjected to any physical, moral or psychological torture by whom and why. The judge shall then submit a written report of what he/she had observed when the subject was brought before him to the proper court that has jurisdiction over the case of the person thus arrested. The judge shall forthwith submit his/her report within three calendar days from the time the suspect was brought to his/her residence or office.

Immediately after taking custody of a person charged with or suspected of the crime of terrorism or conspiracy to commit terrorism, the police or law enforcement personnel shall notify in writing the judge of the court nearest the place of apprehension or arrest: Provided ,That where the arrest is made during Saturdays, Sundays, holidays or after office hours, the written notice shall be served at the residence of the judge nearest the place where the accused was arrested.

The penalty of ten (10) years and one day to twelve (12) years of imprisonment shall be imposed upon the police or law enforcement personnel who fails to notify and judge as Provided in the preceding paragraph.

Para ng sinabi na kung ang mga tao ay mukhang Arabo sila ay terrorista. Sa ibang bansa, ang tingin ng tao sa mga Arabo, Muslim o basta nakabalot ang ulo ay terrorista. May pagkakataon na ginagawang biro ang pagkakaroon ng kaugnayan sa kanila. Ang pabiro kung minsan ay: “Nako kung kamaganak ko yan safe ako, kasi maraming Granada at baril yan! Terrorista kasi” Isa hindi na naiaaplly ang kasabihang “Innocent until proven guilty” Wala pa kasing pormal na paghahatol mabilis kaagad na sasabihin na terrorista, criminal, dapat patayin.

Ang Human Securities Act ay nandyan upang bigyan tayo ng kasiguruhan na ating mga karapatan ay naisasakatuparan at na-eexercise. Sa pamamagitan nito nabibigyan ng lakas ng loob ang sino man upang ilabas ang nararamdaman.

Remo, Gianina Mae

Human Security Act at Ang Kabataan

Friday, August 17, 2007

Ano nga ba ang Human Security Act na mas kilala bilang Anti-Terrorism Bill? Ano ang reaksyon ng mga kabataan ukol sa batas na ito na kinakabitan ng maraming issue? Sang-ayon ba sila dito?

Sa aking isinagawang survey lumalabas na marami sa mga kabataan ngayon ay sang-ayon sa nasabing batas. Ang kaunting porsyento sa kanila ay may mga nabanggit na rason kung bakit sila sumasang-ayon sa nasabing batas at ang iba naman ay sumasang-ayon na lang kahit na wala sila kaalam-alam kung ano ba ito. Ano ang ibig sabihin nito? Tila lumalabas na hindi sapat ang kaalaman ng mga kabataan ukol sa nasabing batas. Ang pagbibigay ng impormasyon ukol sa mga batas na naipasa ay isang mahalagang bagay na dapat bigyang prioridad ng pamahalaan. Ang sapat na impormasyon na maibibigay nila sa mga sibilyan lalo na sa mga kabataan ay makakatulong ng malaki upang makapaglahad ng sariling saloobin ng pagsang-ayon o pagtutol ang mga ito para na rin sa ikabubuti ng ating bansa. Kung ating iisipin ng mabuti, ang kalayaang magsalita ay isang magandang paraan upang magkaroon ng magandang ugnayan ang pamahalaan at ang mga mamamayan. Ito ay maaaring maging daan upang mas gumanda pa ang pamamahala ng mga nasa itaas at ito rin ay maaaring maging sanhi upang magkaroon ng kapayapaan sa pagitan ng dalawang madalas magsalungat na grupo.

Sa pagsang-ayon ng ilan sa mga kabataang mapagkikitaan ng malawak na pagiisip, makikita natin na ang batas na pilit na sinasalungat ng mga laban sa gobyerno ay hindi bumabagabag sa isipan ng mga kabataan. Nagpapakita ito na para sa mga kabataan ay may maganda rin namang matutulong itong nasabing batas na ito. Ilan sa mga katunayan ng pagtitiwala ng mga kabataan sa nasabing batas ay ang iba sa mga inihain na rason ng iba sa aking mga natanong katulad ng mga sagot na ito: “sang-ayon ako sa HSA kung ang konsepto ang pag-uusapan ngunit sa pag iimplement ay hindi ako masyadong sigurado” (sagot na nanggaling sa isang atenista, 16 taong gulang), “sang-ayon ako kasi kung wala ka namang itinatago o balak laban sa gobyerno, bakit ka naman matatakot?” (sagot na nanggaling sa isang high school student, 16 taong gulang). Ipinapakita ng mga iprinesenta kong mga sagot na hindi naman talaga sila natatakot sa Human Security Act, mas nag-aalala pa sila sa pag-iimplement nito dahil narin siguro sa mga issue na kinauugnayan ng mga pagpatay sa mga kalaban ng gobyerno katulad na lamang ng tinatawag na “Political Killings”. Nakasaad sa Anti-Terrorism Bill na kahit sinong pinagsususpetsyahang kumakalaban sa goberyerno o kahit sinong nagdudulot ng takot sa kahit na sino man ay maaaring hulihin ng mga kinauukulan. Kapag napatunayan na ikaw ay inosente sa mga ibinibintang, bawat araw na ikaw ay nakulong ay may kapalit na halaga ng salapi. Dito na pumapasok ang isa sa mga issue na kinakaharap ng batas na ito. May ilang nagsasabi na kapag napatunayang inosente ka ay hindi na magaaksaya pa ng pera ang mga kinauukulan para bayaran ka, ang gagawin na lamang nila upang mabawasan ang gastos ay patayin ka na lang. Ito ay isa sa mga mabibigat na issue na kinakaharap ng nasabing batas. Kung ating pakikiramdaman, hindi pa malawakang naipapatupad ang batas na ito. Wala pang nababalitang hinuli dahil sa pagtatangkang ng mga hindi ka-nais nais na bagay laban sa gobyerno, ang mga nababalita pa lang ay ang mga hinuhuli dahil sa pagra-rally ng walang permit na isa ng nabubulok na isyu na dapat ng ibaon sa lupa.

Sa pag dating ng araw ng malawakang implementasyon ng HSA, ano kaya ang mangyayari? Aabusuhin ba ito? Isa sa mga patikim na impormasyon dito ay ang sinasabi ni Raul Gonzales ng kagawaran ng hustisya. Sinabi niya na ang pagwawire tap ng mga pribadong konbersasyon lalo na sa mga TV stations ay hindi na magiging illegal sapagkat ang mga TV stations daw ay ang ilan sa mga kumakalaban sa gobyerno. Dahil dito sa sinabi na ito ni Mr.Gonzales, ang “privacy” ng bawat isa sa atin ay hindi na maigagalang dahil kahit ang mga normal na mamamayan ay pwede ring i-wire tap at pwede na rin nilang marinig an gating mga pinag-uusapan. Mabuti pa nga kung talagang sila ay makikinig lamang sa ating mga usapan pero paano na kung biglang sumabat sila sa usapan natin? Hindi ba iyon nakakatakot? Ang walang humpay na mga issue na naglalabasan ay maaaring maging kapanipaniwala narin dahil narin sa mga salitang binitawan ng isang kinatawan ng gobyerno.

Ano kaya ang magiging papel ng kabataan sa mga nasabing issue? Ang titolo na aking ibinigay sa artikulong ito ay nagbibigay ugnayan sa HSA at mga issue na kinahaharap nito sa mga kabataan. Kung ating mapapansin, ang opinyon ng mga kabataan sa ngayon ay binabaliwala lang ng mga karamihan ngunit mukhang natatauhan na ang gobyerno sa kahalagahan ng boses ng mga kabataan ukol sa mga issue sa lipunan. Ang magpapatunay dito ay ang paglalaan ng oras sa mga kabataan na magrehistro para sa SK elections. Ating balikan ang koneksyon ng kabataan sa HSA. Kung ating susumahin ng mabuti, maaaring makaapekto ng malaki ng HSA sa mga kabataan. Maaaring magdulot ito ng takot sa kanilang mga isipan at maaari rin magbigay ito ng kakaibang perspektibo ukol sa mga bagay-bagay. May mahalagang papel din sigurong dapat gampanan ang mga kabataan sa ngayon, at ‘yon ay ang pagbibigay liwanag sa mga magkasalungat na grupo na tumatalakay sa kahalagahan at kamalian ng pagpapatupad ng Anti-Terrorism Bill.

Concepcion, Rubi Amalia M.

WELCOME



http://katotohanangpinaglalaban
.blogspot.com

GROUP MEMBERS

GROUP 4 - C34+
J.Em Ang +
Niela Awayan +
Jonathan Borricano +
Rubi Concepcion +
Fern Gurrea +
Gerard Kho +
Gianina Remo +

LINKS

Group 1 +
Group 2 +
Group 3 +
Group 5 +
Group 6 +

POSTS

Ang Kagandahan at Kapangitan ng ‘Human Security Act’ +
Masaklap na Katotohanan ng “Human Security Act” +
HUMAN SECURITY ACT AYON KAY PROPESOR HARRY ROQUE…T... +
Human Security Act: Makabubuti Ba? +
Human Security Act o HSA: Makatao nga ba? +
Para Kanino Ba Ito?? +
Human Security Act at Ang Kabataan +
R.A.9372 - Human Security Act of 2007 +

TAGBOARD

...

...

ETCETERA